"TO ANNE THAT GOT AWAY" Basahin ang Isang Open Letter Para kay Anne Curtis!


All of us dream to take selfies with our favorite stars for remembrance or proof that we’d seen them in person and that they took time to grant our request. 

However, for this man, being with his favorite stars particularly Anne Curtis only required a bit of effort and skills. Take a look at the following photos.

Meet Melnar Arquillo, a simple individual who went viral because of his photoshop skills. On his latest post, he made an open letter to Anne Curtis which he entitled “An Open Letter To The Anne That Got Away” where he reminisced their fun moments together as best friends.

As hilarious as the caption of the album, Melnar chose some of Anne’s photo to be his subject and photoshopped himself into them. Few of the photos he chose to photoshop were snapped during Anne’s overseas trips with her fiancé Erwan Heusaff and sister Jasmin.

The funniest photo among the bunch taken during Anne’s beach trip where Erwan or rather Melnar carried her while Anne wrapped her legs around his torso. 

We also found the last photo hilarious due to its caption which Melnar funnily brought up the story behind the photo that it was taken during his birthday the same day when Anne has her monthly cycle. We will just be left to you to read the entire caption of the said photo. It really was full of wit.<
Apart from photos with Erwan and Jasmin, Melnar also photoshopped some of Anne’s OOTD snaps where he proved that he certainly is the ultimate best friend of Anne who is always behind the camera supporting the actress on all her shots to make them look “bongga”.

Read his funny post below:

***An Open Letter to The Anne That Got Away***
Dearest Anne,

Kamusta ka na? Antagal na nating 'di nagkikita. Ilang taon na nga ba? Isa? Dalawa? Tatlo? Di ko na maalala. Balita ko ikakasal ka na. Sana bago mangyari yun, magkita man lang tayo kahit sandali lang. Gusto ko sanang humingi ng tawad kung may nagawa man akong pagkakamali. Gusto ko sanang magbalik ang dati nating pagkakaibigan.

Napakadaming bagay ang nami-miss ko sa ating dalawa. Miss na kita, Bes.



Nami-miss ko ang pamamasyal natin kasama ang kapatid mong si Jasmine.




Nami-miss kong mag-travel kasama ka.




Nami-miss ko yung ganitong moment. Iinumin ko pa sana ang lemonade kaso nilawlaw mo na ng kamay mo. Badtrip.




Nami-miss ko din ang pagsalo sa paa mo. Kapag di ko kinaya ang bigat mo'y naiipit ang kamay ko.


Nami-miss kong paypayan ka. Kapag nangalay ang kamay ko'y sariling hininga ko naman ang ibubuga ko.




Minsan pa nga, electric fan ang dala ko para lang mahanginan ka - kahit ako itong mukhang may hangin sa utak.




Nami-miss ko ang panggagaya mo kay Rachel McAdams sa "The Notebook" tuwing nasa beach tayo. Magtatampisaw ka at mag-iimagine na isa kang ibon. 

"Say I'm a bird!" sigaw mo mula sa malayo.
"No!" sagot ko naman.
"Say it!"
"You're not a bird."
"C'mon just say it!"
"No."

Tapos tatakbo ka palapit sakin at biglang sasampa. Mapapasigaw na lang ako: Ugh, that's my bird!



Nami-miss ko ding pasanin ka. Masarap sa feeling kahit mabigat ka, at least buhat ko ang mundo ko.




Nami-miss ko ang pagtulog natin sa iisang higaan. Walang malisya kasi nga mag-bestfriend tayo... 'yan ang tingin mo.


Nami-miss ko ang paglilinis mo ng bintana ng condo natin. Nasa baba lang ako para saluhin ka kapag nahulog ka. Kaso 'di naman nangyari yun... kasi ni-misan 'di ka na-fall sakin. Bes, may mali ba sakin? Pangit ba ako? Oo, sagot mo.


Nami-miss kong mag-kape kasama ka. Yung tipong kahit nakailang tasa na ako, di pa rin ako magising sa katotohanang sa panaginip na lang ang "ikaw at ako."


Ginagamit mo pa ba ang unang ni-regalo ko? Kahit diyan man lang ay maramdaman kong niyayakap mo din ako.


Natatandaan mo ba noong sinabihan mo akong ligawan ko si Jasmine? Ayaw ko siyang ligawan 'di dahil ayaw ko sa kanya, kundi dahil ikaw talaga ang gusto ko... kaso bestfriend lang naman ang turing mo.


Natatandaan mo ba noong birthday ko? Noong sumampa ka sa balikat ko? Pag baba mo, may bakas na ng karahasan ang batok ko. Di mo sinabing buwanang dalaw mo pala. You don't even "whisper" it to my ears . 

Kinagabihan, naglasing tayo para i-celebrate ang birthday ko. Yun din ang gabing na-isyu ka kasi sinabihan mo si John Lloyd na kaya mo siyang bilhin pati ang barkada niya at ang buong bar. Grabe ka, Bes! Samantalang noong pinabibili ko sayo yung gusto kong sapatos, di mo mabili. Tapos makukuha mo pang bilhin si John Lloyd at ang barkada niya. Aanhin naman natin sila? 

Pag-uwi natin, I tried to calm you down. Ito din ang nakita kong paraan para finally ay umamin na ako sayo - na higit pa sa bestfriend ang turing ko sayo. 

"Anne, may aaminin ako," sabi ko. 
"Ako din," sagot mo. 

Nagturuan pa tayo kung sinong unang dapat na umamin pero napilit kitang ikaw muna. 

"Anong aaminin mo?" tanong ko. 
"Sinagot ko na ang mangliligaw ko," sagot mo. 
"Ha? Sino?"
"Si Erwan. Yung kapatid ni Solenn."

Bilang bestfriend mo, dapat maging masaya kasi masaya ka pero iba ang naramdaman ko. Nalungkot ako. 

Simula noon, di na tayo nakakapamasyal. Madalas mo nang kasama ay si Erwan. Pag nagkikita tayo sa mall, nginingitian mo na lang ako. My bestfriend became a total stranger. Pero kahit nagkaganito tayo, ikaw pa rin ang tinuturing na pinakamatalik kong kaibigAnne. Hanggang dito na lamang. 

Nagmamahal, Na-Friendzone, Nasaktan, Nag-Photoshop,
MILNARYO

#AnneSakit
#AnneYariSaAtingDalawa
#AnneDitoLangAkoNaghihintaySayo
#AnneHinPaAngPusoKungIkakasalNaMahalKo

Disclaimer:
Photos are copyright to their respective owners.

This is not the first time Melnar’s photoshopped photos went viral. Way back, he was featured on the local online news sharing site When In Manila for his post showing the aftermath of marrying Kim Domingo.

"TO ANNE THAT GOT AWAY" Basahin ang Isang Open Letter Para kay Anne Curtis! "TO ANNE THAT GOT AWAY" Basahin ang Isang Open Letter Para kay Anne Curtis! Reviewed by Manager on 11:59 AM Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.